- Details
Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng 2024 DOST-MIMAROPA Regional Science, Technology and Innovation Week, tampok dito ang ilan sa mga proyekto ng Department of Science and Technology o DOST na nag-iwan ng mga natatanging marka ng pag-unlad at pag-asa para sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) ng rehiyon.
- Details
Ang mga kababaihan ng Laurel, Batangas na lumahok sa tilapia at meat processing training ng DOST-Batangas. (Larawan mula sa DOST-Batangas)
Nagkaloob ng pagsasanay sa pagproseso ng tilapia at karne ang DOST-CALABARZON sa pamamagitan ng Provincial Science and Technology Officer-Batangas para sa mga kababaihan ng Laurel, Batangas noong ika-21 ng Mayo 2024 sa Brgy. Bugaan East.
Read more: Kababaihan ng Laurel, Batangas, hinasa ng DOST sa pagproseso ng tilapya at karne
- Details
Sina DOSTI-ITDI Director Dr. Annabelle V. Briones at Administrative and Technical Services Officer-in-Charge Dr. Janet F. Quizon, kasama ang pangkat na bumubuo sa proyektong “Technical Services Certificates Verifiable using Blockchain Technology.” (Larawang kuha ng DOST-STII)
Opisyal na inilunsad ng Department of Science and Technology–Industrial Technology Development Institute (DOST-ITDI) ang kanilang online document verification portal noong ika-13 ng Mayo 2024.
Read more: Plataporma para sa beripikasyon ng dokumento, inilunsad ng DOST-ITDI