MENU

Picture1 1

Ang mga kababaihan ng Laurel, Batangas na lumahok sa tilapia at meat processing training ng DOST-Batangas. (Larawan mula sa DOST-Batangas)

Nagkaloob ng pagsasanay sa pagproseso ng tilapia at karne ang DOST-CALABARZON sa pamamagitan ng Provincial Science and Technology Officer-Batangas para sa mga kababaihan ng Laurel, Batangas noong ika-21 ng Mayo 2024 sa Brgy. Bugaan East.

Ang pagsasanay na ito ay may layong magbahagi ng mga kasanayan at kaalaman sa probinsya sa tamang paggawa ng tapa, tocino, at tilapia nuggets

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, ang kagawaran ng DOST at lokal na pamahalaan ng Laurel, Batangas ay naghahangad na palakasin ang mga kababaihan sa mga rural na komunidad at matulungan ang sektor sa pagsisimula ng negosyo at pag-ambag sa lokal na ekonomiya. 

Batay sa ginawang pag-aaral ng LGU-Laurel Social Work interns, natuklasan na ang sektor ng mga kababaihan sa Brgy. As-is at Bugaan East ay walang trabaho at nangangailangan ng mga oportunidad pangkabuhayan. 

Kaya’t ang handog ng DOST na pagsasanay ay isang hakbang tungo sa pagpapabuti sa ekonomikong kalagayan ng mga kababaihan sa nabanggit na lugar.

                                                                                                  Picture2 1Picture2 1

Pagkilala sa mga kababaihang kalahok sa isinagawang meat processing training at ang ilan sa mga produktong likha mula sa tilapia at karne. (Larawan mula sa DOST-Batangas

Upang masiguro na ang mga kalahok ay may komprehensibong pag-unawa sa kabuuang proseso ng pagproseso ng tilapia at karne, kabilang sa mga tinalakay ang product formulation, processing standards at packaging techniques, gayon din ang storage conditions at proper handling practices para bigyang-diin ang pagpapanatili sa kalidad ng mga produkto. 

Kasama rin sa diskusyon ang Basic Food Hygiene Practices para maibahagi ang kahalagahan ng ligtas at malinis na pagsasagawa ng meat products. 

Ang nasabing training ay dinaluhan ng mga eksperto mula sa Batangas State University na sina Dr. Marielli Katherine C. Untalan, Nico John Abratique, Mark Anthony C. Lat at Ma. Jesukristina M. Lumanglas. 

Ayon sa mga dalubhasa, ang mga produktong likha o food products mula sa karne at tilapia ay mapagkakakitaang uri ng negosyo subalit nangangailangan ito ng mahigpit na pagsunod sa mga pamantayan upang matiyak ang kaligtasan at kasiyahan ng mamimili.  (Ni Sean A. Magbanua, DOST-STII-Intern / Impormasyon mula kay John Maico M. Hernandez ng DOST-CALABARZON)