MENU

Upang matulungang makapagsimula ng sarili nilang community enterprise, sumailalim sa isang training para sa paggawa ng mga produktong mula sa buko ang mga kababaihang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Sitio Masasa, Brgy. San Juan, Tingloy, Batangas noong ika-17 hanggang ika-18 ng Mayo.

Ang ating mga magsasaka at vegetable grower ang madalas na lubhang naapektuhan tuwing may tatama na malakas na bagyo sa bansa. Ang matinding hagupit ng masamang panahon ay nagdudulot sa pagkasira ng mga pananim na siyang natatanging kabuhayan ng ating magsasaka.

Dumaguete City, Negros Oriental- 28 na iskolar ng Department of Science and Technology (DOST) ang naglaan ng kanilang oras upang dumalo sa pagsasanay pagdating sa pagbibigay ng paunang lunas noong ika-anim ng Mayo sa Negros Oriental State University (NORSU) Main Campus I.