MENU

Isang samahan ng mga kababaihan sa Brgy. Taliba, San Luis, Batangas, ang nakatanggap ng pancit canton with squash technology mula sa Department of Science and Technology – Food and Nutrition Institute (FNRI) sa pamamagitan ng isang technology transfer training na isinagawa noong ika-18 ng Agosto 2021.

Tuloy-tuloy ang pagtulong ng Department of Science and Technology (DOST)-Region I, katuwang ang Provincial Science and Technology Center (PSTC)-Ilocos Norte sa pagpapayabong sa industriya ng paggawa ng mga muwebles  at pagpapaunlad sa kaalaman ng mga lokal na negosyante ng nasabing lalawigan sa pamamagitan ng kanilang Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) upang makasabay sa pandaigdigang pakikipagkalakan.

Nagdebelop ang Department of Science and Technology (DOST)-Region XI ng isang aplikasyon na kung saan magpapadala ito ng mga paalala o notification para sa mga lokal na indibidwal na naka-iskedyul para sa ikalawang dose ng kanilang bakuna.