MENU

Ang mga tangkay ng bunga o peduncles na natira mula sa pag-proseso ng punong-saging na saba o Musa paradisiaca ay maaaring gamitin sa paggawa ng mga tablang insulasyon kontra init o thermal insulation boards.

Binigyang-pugay ang kontribusyon ng mga Pilipinong mananaliksik at mga naging katuwang ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) sa idinaos na palatuntunang pinamagatang, “Pagpupugay at Pasasalamat: 40 Taon ng Pananaliksik Para sa Pilipino,” noong ika-10 ng Hunyo, 2022 sa Philippine International Convention Center (PICC), Lungsod ng Pasay.

Simula Agosto 2022, ipapamahagi ng Department of Science and Technology-Technology Application and Promotion Institute (DOST-TAPI) ang unang edisyon ng kanilang libro na pinamagatang “Towards Attainment of Progress through Innovation.”