MENU

Ibinida ng Mindanao Natural Language Processing (MinNa LProc) Research and Development Laboratory, na pinondohan ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD) at kasalukuyang pinangangasiwaan ng University of Immaculate Concepcion (UIC), ang ilan sa mga proyektong dinebelop ng laboratoryo na naglalayong pangalagaan ang mga lokal na lengwahe sa rehiyon ng Davao at sa Mindanao.

Sa pamamagitan ng isang proyektong pinagtulungan ng Department of Science and Technology-XI (DOST-XI), Department of Trade and Industry-XI (DTI-XI), at ng University of Southeastern Philippines, mabibigyan ng pagkakataon ang mga batang ipinanganak na may cerebral palsy na makatayo o mapadali ang kanilang pagkilos.

Naglunsad ng dalawang araw na research proposal writeshop ang Department of Science and Technology (DOST) Project Management Office para sa kanilang Science For Change Program (S4CP), katuwang ang DOST-MIMAROPA mula ikawalo hanggang ikasiyam ng Agosto 2022 sa Palawan State University at Mindoro State University, ayon sa pagkasunod-sunod.