- Details
Nagpulong ang mga pinakamatatalas na isipan sa nakalipas na 72nd Annual Convention ng Philippine Association for the Advancement of Science and Technology o PhilAAST noong 22 Setyembre 2023 sa Centennial Hall ng The Manila Hotel. Napanood rin sa Zoom at Facebook Live ang pagdiriwang na may temang “National Wealth Creation and Sustainable Development through Science, Technology and Innovation”.
- Details
Hindi lamang sa industriya ng tela, ipinamalas rin ang kontribusyon ng kawayan bilang materyales sa usaping pangkabuhayan sa isinagawang “KAWAYARN: The Bamboo Textiles PH” exhibit ng Department of Science and Technology-Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) noong ika-21 ng Setyembre 2023.
Read more: KAWAYARN: Kawayan bilang tela, pangkabuhayan, ibinida ng DOST-PTRI
- Details
Bilang bahagi ng pasimula sa pagpapaigting ng industriyang asin sa bansa, nagsanib-lakas ang tanggapan ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya sa Rehiyong MIMAROPA o DOST-MIMAROPA—sa pamamagitan ng tanggapang panlalawigan nito sa Palawan o PSTO-Palawan—at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pagtatag ng pinakaunang pagawaan ng asing pinayaman sa yodo o "iodized salt" sa Barangay Danleg sa Dumaran, isa sa mga munisipyong pulo ng nasabing lalawigan.