MENU

Inanunsyo na ng Department of Science and Technology (DOST) ang unang hanay ng mga nominado para sa ‘Philippine Smart and Sustainable Communities Awards’, sa katatapos lang na 3rd International Smart City Exposition and Networking Engagement (iSCENE) 2025, na ginanap sa Cauayan City, Isabela noong ika-22 hanggang 24 ng Mayo 2025.

Inorganisa ng Pilipinas, ang iSCENE ay nagbibigay ng oportunidad para sa mga talakayan at pagbabahagi ng mga pinakamahuhusay na kasanayan, estratehiya at pagtatanghal ng iba't ibang mga makabagong solusyon mula sa mga kilalang internasyonal, pambansang tagapagsalita, at mga kaagapay sa industriya na nagsusulong ng pagpapatupad ng Smart and Sustainable Communities Framework ng DOST na nakahanay sa United Nations Sustainable Development Goals (UNSDGs).

Sa nakalipas na dalawang taon mula nang ipakilala ang Smart and Sustainable Cities Program ng DOST sa pamamagitan ng iSCENE, ang ilang mga local government units (LGUs) sa buong bansa ay nagpahayag ng kanilang interes na makipag-partner sa DOST upang paigtingin ang paggamit ng mga teknolohiyang naaangkop sa pagtugon sa ilang problema sa kanilang lugar.

Ngayong taon, kinilala ng DOST ang mga pagsisikap at proyekto upang paunlarin ang kanilang mga komunidad sa pamamagitan ng agham, teknolohiya, at inobasyon.

Mula sa 58 lahok na natanggap ng DOST, dalawampu’t siyam (29) na lungsod at munisipalidad mula sa Northern, South Luzon, Visayas, at Mindanao clusters ang kinilala bilang nominado kabilang ang mga sumusunod:

Cordillera Administrative Region (CAR) Region I (Ilocos Region)

Baguio City San Fernando City, La Union 

Tabuk City, Kalinga Laoag City, Ilocos Norte 

Region II (Cagayan Valley) Region III (Central Luzon)

Diffun, Quirino Tarlac City, Tarlac

Santiago City, Isabela Balanga City, Bataan 

Provincial LGU Batanes San Fernando City, Pampanga

Cauayan City, Isabela Malolos City, Bulacan 

Region IV-A (CALABARZON) Region IV-B (MIMAROPA)

Santa Rosa City, Laguna Narra, Palawan 

Carmona City, Cavite Bataraza, Palawan 

NCR (National Capital Region) Region V (Bicol Region) 

Muntinlupa City Prieto Diaz, Sorsogon 

Quezon City Legazpi City, Albay 

Naga City, Camarines Sur 

Region VI (Western Visayas) Region VIII (Eastern Visayas)

Bacolod City, Negros Occidental Catbalogan City, Samar

Maasin City, Southern Leyte 

Region IX (Zamboanga Peninsula) Region X (Northern Mindanao)

Dapitan City, Zamboanga del Norte Oroquieta City, Misamis Occidental

Iligan City, Lanao del Norte

Malaybalay City, Bukidnon 

Region XIII (CARAGA Region)

Butuan City, Agusan del Norte

To all the awardees and nominees, may your work continue to inspire others. And may this platform strengthen our collective resolve to create a country where smart and sustainable living is not the exception, but the norm,” saad ni DOST Secretary Renato U. Solidum, Jr. 

Ang pagsusumite ng mga lahok ay ikinategorya sa apat: human well-being, wealth creation, wealth protection, at sustainability.

Ang mga mangungunang lahok para sa bawat kategorya ay kikilalanin sa pagdiriwang ng National Science and Technology Week (NSTW) 2025, kasama ang tatanghaling grand champion.

Si Mae Ferrer-Llamas (may hawak ng sertipiko), local development and investment promotions officer, kabilang ang kaniyang mga kasamahan mula sa Bacolod City LGU, ay tinanggap ang sertipiko ng pagkilala bilang nominado sa Philippine Smart and Sustainable Communities, na isinagawa noong ika-23 ng Mayo 2025 sa Isabela Convention Center.  (Larawan mula kay Patrick James Lee C. Alfonso, DOST-STII).