MENU

Ang saging ay isa sa pinakasikat na produktong pang-agrikultura sa bansa. Sa katunayan, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang produksyon ng saging ay tinatayang nasa 2.29 milyong metriko tonelada mula Abril hanggang Hunyo 2023. Ayon sa ulat, ang datos na ito ay nagpapakita ng taunang pagtaas ng 0.1 porsiyento mula sa parehong panahon noong 2022.

Sa dalawampung (20) kilalang uri ng saging sa Pilipinas, ang Cavendish variety ang pinakakaraniwan at kadalasang itinatanim sa bansa, na may pinakamataas na produksyon na 1.17 milyong metriko tonelada noong 2023 lamang. Ito ay katumbas ng 51.5 porsyento ng kabuuang produksyon ng saging.

Gayunpaman, sa kabila ng mataas na produksyon sa industriya ng saging, ang mga magsasaka nito ay nakararanas ng mga hamon dahil sa ilang mga sakit sa halaman o pagkalanta, na nagdudulot ng malaking pagkalugi.

Ayon sa DOST-Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD), ang pangunahing problema ng industriya ng saging ay ang pagiging madaling kapitan nito ng mga sakit tulad ng banana bunchy top disease (BBTD), Sigatoka, at Fusarium wilt, na kilala rin bilang Panama disease.

Sa isang episode ng ExperTalk na ipinalabas sa pamamagitan ng DOSTv noong 2024, sinabi ng Hijo Resources Corp.—isa sa mga nangungunang producer ng saging sa rehiyon ng Davao—na ang pagkalanta ng saging ay nakakaapekto sa humigit-kumulang tatlo hanggang limang porsiyento ng kanilang kabuuang produktibidad.

Ang Fusarium wilt ay isang soil-borne fungal disease na sanhi ng fungus na tinatawag na Fusarium oxysporum na sumisira sa mga vascular system ng mga halaman, na humahantong sa pagkalanta, paninilaw, at pagkamatay.

Fusarium wilt is a plant disease which comes from a fungus called Fusarium. It attacks different types of plants, however, there is a specific strain that attacks bananas. This is what we call Fusarium oxysporum f. sp. cubense, which can affect all types of bananas,” saad ni Dr. Merlina H. Juruena, research director sa the University of the Southeastern Philippines o USep.

The fungus Fusarium oxysporum f. sp. Cubense, or what we call Foc–as a soil-borne fungus–have the ability to stay alive despite the banana being out of the soil. It is because this fungus has a structure called Chlamydospores,” dagdag pa niya.

Ipaliwanag ni Dr. Juruena na kapag ang fungus ay naubusan ng pagkain sa saging, na naging kanilang tahanan at pinagkukunan ng sustansya, ito ay awtomatikong bubuo ng resting structure na tinatawag na Chlamydospores.

Ang mga chlamydospores ay mga istruktura na nagpapahintulot sa mga pathogens o mikrobyo o organismong nagdudulot ng sakit sa mga halaman na mabuhay sa hindi kanais-nais na mga kondisyon. Halimbawa, kahit mabilad sa araw o ibabad sa tubig, mananatiling buhay ang fungus. Kahit na ang mga ordinaryong kemikal na ginagamit sa mga plantasyon ay hindi kayang labanan ito.

Gayunpaman, sa kabila ng pagkakaroon ng Fusarium, nilinaw ni Dr. Juruena na ligtas pa ring kainin ang saging dahil wala itong direktang epekto sa sustansyang nilalaman ng prutas, at higit sa lahat, hindi maipapasa ang sakit sa tao.

Ngunit sa kabilang banda, kung magpapatuloy ang impeksyon, maaapektuhan ang paraan ng pagtatanim ng saging na Cavendish. Dahil walang buto na maaaring itanim, ang tanging paraan upang maparami ito ay sa pamamagitan ng muling pagpapalaki ng mga shoots ng Cavendish variety.

Upang matugunan ang problemang ito, ang mga mananaliksik mula sa USep ay nagsisiyasat ng mga solusyon upang mabawasan ang mapaminsalang epekto ng Foc.

It causes blockage of the vascular vessel. Prior to that, the Foc infects bananas through fine root hairs. It stays in the vascular bundle, in the pseudostem,” saad ni Vladimir Ivan Dodongan, isang plant pathologist mula USep.

Ang mga vascular vessel ng isang halaman ay mahalaga para sa transportasyon ng tubig at mga sustansya, patungo sa iba’t-ibang bahagi ng halaman.

Sa kanyang pag-aaral, inusisa ni Dodongan ang bisa ng Trichoderma harzianum, isang fungus na kilala bilang biological control agent na ginagamit upang kontrolin ang populasyon ng mga peste at pathogen sa mga halaman.

The result is less manifestation, or the severity of the disease. There is still yellowing, but not as severe as compared to the uninoculated or untreated with Trichoderma harzianum,” saad ni Dodongan. 

Sa kabilang banda, sinusuri naman ni Johanna Roselle S. Salvar, isa ring plant pathologist mula sa USep, kung ang bacterial endophytes mula sa ugat ng isang malusog na saging ay maaaring labanan ang fungus ng isang nahawang halamang Cavendish.

I found out that bacterial endophytes from the healthy banana roots have potential, both in laboratory conditions and greenhouse conditions. The result is it lessens the severity of the Fusarium [wilt],” saad ni Salvar.

A group of people standing in a banana plantation

Description automatically generated

Si Vladimir Ivan Dodongan (gitna), isang plant pathologist, habang ipinapaliwanag ang anatomiya ng isang puno ng saging sa ika-7 na bahagi ng ExperTalk Season 4 ng DOSTv, ang opisyal na broadcasting channel ng Department of Science and Technology. (Kuha mula sa DOSTv Youtube)

Si Dodongan at Salvar ay kasalukuyan pang pinagbubuti ang kanilang mga pag-aaral. Kung mapatunayang mabisa at epektibo, ang mga solusyong ito ay maaaring makatulong para sa mga nagtatanim ng saging sa pamamahala ng mga sakit sa halaman tulad ng Fusarium wilt.

A person and person in yellow shirts

Description automatically generated

Ibinahagi nina Johanna Roselle S. Salvar (kaliwa) at Vladimir Ivan B. Dodongan, mga plant pathologist mula sa University of the Southeastern Philippines, ang kanilang pag-aaral sa pagkontrol ng Fusarium wilt disease sa Cavendish banana plant sa ika-7 bahagi ng ExperTalk Season 4 ng DOSTv, ang opisyal na broadcasting channel ng Department of Science and Technology. (Kuha mula sa DOSTv Youtube)

Bilang pagkilala sa kahalagahan ng mga imbensyon na ito, hinihikayat ng USep ang susunod na henerasyon ng mga eksperto na pasukin ang mundo ng mga doktor ng halaman at tuklasin ang kanilang potensyal sa larangang ito. (Ni Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII)