MENU

Upang matugunan ang mga karaniwang hamon sa bawat komunidad, ang mga imbentor sa mga panrehiyon at panlalawigang tanggapan ng Department of Science and Technology (DOST) ay bumuo ng mga solusyon sa pamamagitan ng Wadhwani technology pitching competition na ginanap noong ika-21 ng Oktubre 2025.

Ayon sa DOST-CARAGA Region na siyang nag organisa ng patimpalak, ang kompetisyon ay ang pangalawang yugto ng unang cohort na nagsimula noong Enero 2025 sa pamamagitan ng DOST-Wadhwani Technopreneurship Program—isang pagtutulungan sa pagitan ng DOST at Wadhwani Operating Foundation na inilunsad noong Nobyembre 2024.

Sa ilalim ng pagtutulungang ito, halos 400 empleyado ng DOST ang sumailalim sa masinsinang tatlong buwang pagsasanay na nakatutok sa upskilling at reskilling sa mga kalahok sa entrepreneurship.

By translating ideas into 17 functional prototypes, we see how local challenges identified in our regional smart cities and community’s road mapping efforts can be transformed into scalable, inclusive, and sustainable solutions. These innovations reflect a simple truth: when our LGUs, industries, academe, and communities collaborate, we create not just projects but pathways that we can tread together in our journey toward national development,” saad ni DOST Secretary Renato U. Solidum Jr.

Kapag ang inobasyon ay pinagtulungang payabungin ng bawat isa, ang mga solusyon na drawing lamang sa umpisa ay unti-unting makukulayan at maisasakatuparan,” dagdag niya.

Upang matiyak na ang mga inobasyon ay may kaugnayan sa komunidad, nakipagtulungan ang mga panrehiyong tanggapan ng DOST sa iba't ibang local government units (LGUs) upang matukoy ang mga problema gaya ng urban resilience, digital governance, solid waste management, circular economy integration, sustainable transportation, climate-smart agriculture at public service innovation.

Sinabi ni Wadhwani mentor para sa Mindanao na si Mary Rose P. Ofianga na ang bawat prototype ay inaasahang susuporta sa Smart and Sustainable Communities Program (SSCP) ng DOST at magbibigay ng prayoridad sa mga inisyatiba ng Elev8 PH.

Solutions should also integrate technologies such as AI, data analytics, blockchain, Industry 4.0, smart agriculture, and health technology, demonstrating commercialization potential and scalability,” saad ni Ofianga.

Mula sa 15 na lumahok, ang smart food innovation platform na 'TARAsense' mula sa DOST-CARAGA Region ang nagwagi para sa mga hurado, na nagkamit ng unang pwesto.

Ayon kay Dr. Mariero H. Gawat, S&T Fellow at isa sa mga imbentor ng TARAsense, binibigyang kapangyarihan ng platapormang ito ang mga micro, small, and medium enterprise (MSME) na bumuo ng mga produktong pagkain sa pamamagitan ng consumer insights na nakabase sa mga datos.

Pinagsasama-sama nito ang mga kagamitan para sa market research, packaging feedback, at sensory evaluation —na lahat ay pinapagana ng artificial intelligence (AI) analytics at gamified public participation.

Ang DOST-Wadhwani Technopreneurship Program ay isang estratehikong inisyatiba na idinisenyo upang pangalagaan ang innovation-driven entrepreneurship sa mga panrehiyon at panlalawigang tanggapan ng DOST. (Ni Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII)

BALITANG_RAPIDOST-WHDANI.png

Larawan ng mga tropeyong iniuwi ng una, ikalawa at ikatlong nagwagi sa DOST-Wadhwani Technopreneurship Pitching Activity na ginanap noong Oktubre 21, 2025 sa Bayview Park Hotel, Manila. Ang isa sa mga tropeyo ay ibinigay naman sa Wadhwani Operating Foundation para sa matatag na suporta nito sa DOST sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga hands-on na kurso sa pagpapaunlad ng entrepreneurship. (Larawan mula kay Patrick James Lee C. Alfonso, DOST-STII)