Sa isinagawang webinar ng Department of Science and Technology (DOST) Region II nitong nagdaang Oktubre na pinamagatang “Integrating Gender Lens in Research and Development (R&D) Projects, binigyang diin ni DOST Undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Cristina L. Guevara sa kanyang talumpati ang mga R&D Outputs na maging genderized kung saan parehas na makikinabang ang mga kalalakihan at kababaihan.

“A gender lens will allow us to see the ways and processes from which gender issues and concerns stem. Not only the R&D community, but the entire Philippines’ Science, Technology, and Innovation landscape can be identified and addressed through our collaborative efforts,” paliwanag ni Usec. Guevara.

Kaugnay sa tema ngayong taon na “Agham at Teknolohiya: Tugon sa Hamon ng Panahon”, layunin ng DOST-II na maipaunawa sa mga mananaliksik ang kahalagahan ng mga gender sensitive and responsive R&D projects at maipakita na ang gender awareness and sensitivity ay makakatulong sa pagresolba ng mga isyung may kinalaman sa Gender and Development (GAD).

Ayon naman kay DOST Undersecretary for Regional Operations Engr. Sancho A. Mabborang, ang pangunahing alalahanin ngayon ay kung paano makakasabay ang R&D community sa pagbabago ng lipunan habang mas nagiging gender-responsive ito.

Giit ni Usec. Mabborang, dapat ay ikonsidera ang mga ito na mahalagang salik kapag nagsasagawa ng societal researches para maiwasan ang pagiging bias at maisulong ang pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae.

Pinuri naman ni Dr. Jhamie Tetz-Infante Mateo, Director of Gender Resource Research and Development Center of Isabela State University, and National GAD Resource Pool Member of the Philippine Commission on Dr. Women ang pangunguna ng DOST-II sa genderization ng DOST R&D Community gayundin ang patuloy na paglikha ng mga oportunidad para sa mga babae at lalaking mananaliksik, mga eksperto at estudyante, na makapagpalitan ng makabagong mga ideya para sa ikauunlad ng bansa.

Umaasa naman si DOST Assistant Secretary for HRMMSSC at DOST-Wide GAD Focal Person Dr. Diana L. Ignacio na pamarisan ito ng ibang mga rehiyon at mas maging gender-responsive.

Dinaluhan ang nasabing webinar ng 340 researchers na nagmula sa iba’t ibang Academe Research Institutes, National Government Agencies, at Regional Line Agencies sa bansa. (Ni Jerossa J. Dizon, DOST-STII at impormasyon mula kay Jericho Fronda, DOST-II)